Alab, gustong bumawi vs. Mono sa ABL Season 10
- MC
- Nov 16, 2019
- 1 min read

Handa nang bumawi ang San Miguel-Alab Pilipinas sa pagbubukas ng ika-10 season ng ASEAN Basketball League (ABL) sa Linggo (Nob. 17).
Ang Mono Vampire ng Thailand ang unang makakatunggali ng pambato ng Pilipinas na pangungunahan nina Lo Domingo at Brandon Rosser, kasama ang mga bagong kakampi na sina DLSU Green Archer Andrei Caracut, dating ABL Finals MVP Jason Brickman, Jeremiah Gray, dating Batang Gilas member Jordan Heading, dating NU Bulldog na si Tzaddy Rangel, ang beterano at dating Letran wingman na si Aaron Aban at dating UST Growling Tiger na si Louie Vigil. Magsisilbing world imports ni coach Jimmy Alapag sina Adrian Forbes, Khalif Wyatt at Nick King.
Bukod sa Alab at Mono Vampire, may walo pang koponang nais masungkit ang korona ngayong season na ipalalabas sa ABS-CBN ng 7 pm, ito ay ang Hong Kong Eastern, Singapore Slingers, Saigon Heat, Macau Black Bears, Formosa Dreamers, Fubon Braves, Westports Malaysia Dragons at Wolf Warriors.
Pagkatapos makamit ang kampeonato sa ika-walong taon ng ABL, nasipa ang Alab sa q’finals noong 2018. Makabalik kaya sa tugatog ng ABL ang Alab?





Comments