top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

9 events sa Muay SEAG target dominahin ng 10 Athletes

Gerard Arce
Nov 16, 2019
1 min read

Puntirya ng Philippine National Muay Team ang overall championship sa darating na 30th edisyon ng Southeast Asian Games na magbubukas simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon ngayong taon.

Nais ng pambansang koponan na muling madomina ang 9-event na lalahukan sa biennial meet na magsisimula sa Dis. 2-8 sa Subic Bay Exhibition Center sa Olongapo matapos mapagwagian ang kabuuang kampeonato noong 2005 SEAG sa Pilipinas sa pamamagitan ng 3-3-2 medal haul.

Sasandal ang mga ito sa ekspersyensang dala-dala sa apat na bigating pandaigdigang torneo na kinabibilangan ng Arafura Games sa Australia noong Abril, ang World Championships sa Thailand, ang East Asian sa Hong Kong at ang katatapos lang na World Masters sa Korea noong Setyembre.

Dahil sa kagustuhang makamit ang inaasam na layunin, lumipad patungong Thailand ang koponan upang dumaan sa matinding pag-eensayo at paghahanda ng isa’t kalahating buwan.

Inamin ni national coach Billy Alumno na malaking bagay ang pagkakaroon ng karagdagang kaalaman hinggil sa kanilang boxing skills na tiyak na magagamit nila sa pakikipagsagupa sa powerhouse na Thailand na napanalunan ang overall title sa 2-3-0 gold-silver-bronze record, habang isang bronze lang ang nakuha ng bansa galing kay Ryan Jakiri sa men’s 63.5kgs.

Mabigat ding makakalaban ng Pilipinas ang Malaysia, Cambodia at Vietnam sa biennial meet.

Bubuuin ang national team nina Kim Robert Miranda (men’s 45kgs), Alexis Badol (48kgs), Ariel Lampacan (men’s 54 kgs), Philip Delarmino (men’s 57kgs) at Jakiri (63.5 kgs) category, samantalang aasa ang women’s side kina Erika Bomogao (45 kgs) at Jenelyn Olsim (54kgs), habang sina Jerome Calica /Jeomar Gallaza Rusha Bayacsan/Irendin Lepatan ay lalahok sa men’s at women’s Waikru form.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page