top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 Pinay Gymnasts, gold sa Hungary

  • Gerard Arce
  • Nov 16, 2019
  • 1 min read

Dalawang Filipinang Gymnasts ang nagpamalas ng angking husay at galing matapos kunin ang gintong medalya sa ginanap na 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnastics Meet sa Hungary ngayong buwan.

Ibinulsa ng 13-anyos mula Butuan City na si Breanna Labadan at Southeast Asian Games-bound Daniela Reggie dela Risa ang tig-isang gintong medalya sa magkahiwalay na kategorya.

Kinuha ng dating St. Scholastic’s College student na si Labadan ang gold medal matapos magpakita ng impresibong paggawa ng stunts sa Juniors Individual All Around event na tinapatan ng kasama nitong si dela Risa sa Seniors Individual event kung saan nakuha rin nito kamakailan ang Senior Individual event sa RG Friends Masters Gymnastics meet 2019 sa Denmark. Nauna na ring nakapag-uwi si Dela Risa ng dalawang pilak na medalya sa Singapore Open noong Hunyo

Nakatakdang sumabak ang 16-anyos na si dela Risa sa Rhytmic Individuals All-around events na kinabibilangan ng ropes, hoops, balls, ropes, clubs at ribbon sa 30th edisyon ng biennial sa bansa simula Dis. 1-7 sa Rizal Memorial Basketball Coliseum.

Nananalaytay sa dugo ng Pinay gymnasts ang pagiging atleta sa pagkakaroon ng mga magulang na pawang mga atleta rin nina dating University of Visayas Lancers basketball player Randy Dela Risa at gymnasts’ mentor Darlene Dela Risa. Patuloy din ang paglikom ng medalya ni Labadan nang iuwi rin nito ang tansong medalya sa Royal Crown Gymnastics meet sa Greece noong Mayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page