top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

McGee at Harden, bumida sa Lakers at Rockets

MC
Nov 15, 2019
1 min read

Kumamada si LeBron James ng 23 points, 12 assists at six rebounds sa tatlong quarters nang umarangkada ang Los Angeles Lakers sa 120-94 victory kontra sa bisitang Golden State Warriors kahapon.

Tumapos si Los Angeles center JaVale McGee ng 18 puntos, 17 rebounds, kabilang na ang 5 sa opensa, 3 blocks at 3 steals laban sa dati niyang team. Dumagdag si Dwight Howard ng 15 puntos at 8 bords para sa Lakers na nagwagi na 9 na beses sa huli nilang 10 games.

Umiskor si Kyle Kuzma ng 22 points upang balikatin ang papel ng hindi naglaro na si Anthony Davis para sa Lakers na nagpahinga dahil na rin sa pananakit ng balikat at tagiliran. Bumanat si D’Angelo Russell ng 21 puntos para sa Golden State na natalo ng limang sunod. Bumasket si Russell ng tig-30 puntos sa bawat apat na laro niya. May 15 puntos si rookie Eric Paschall para sa Warriors.

Samantala, nagpaulan ng game-high 47 puntos si James Harden nang gulantangin ng Houston Rockets, 102-93 ang Los Angeles Clippers sa Toyota Center.

Matapos na bigyan ni Kawhi Leonard ang Clippers ng 86-85 lead ay sumablay siya sa jumper, sinagot ni Harden ng driving layup kasunod ng 3-pointer para umabanse sa 90-86 ang Rockets. Sa nalalabi na lamang na 90 segundo, nakapagtarak si Harden ng tres para sa 95-88 lead.

Na-eject pa si Clippers coach Doc Rivers. Napalawig ng Houston ang winning streak sa five games. Si Harden ay may itinalang 7 of 13 sa bisa ng 3 puntos, sumunggab ng six boards at 7 assists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page