Bawas-trapik.. 4-day work week, oks — Palasyo

Bukas ang Malacañang sa mga rekomendasyon hinggil sa apela ng ilang mambabatas na ikonsidera ng Malacañang ang 4-day work week para sa non-frontline offices ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pakikinggan nila ang lahat ng rekomendasyon na magmumula sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa naturang isyu.
“Pag-aaralan iyon ng MMDA, eh. MMDA ang nag-aano nu’n eh, kung ano ang rekomendasyon nila. Wala pa, they are still under study,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“Exactly! We will wait for their recommendation,” dagdag pa ni Panelo.
Matatandaang, inihayag ni House Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., na isinusulong ng Minority Bloc ang adoption ng 4-day work week sa private sector at non-frontline national government offices o ang mga ahensiya ng pamahalaan na wala namang kinalaman sa pagresponde sa emergency situations, health system at ‘yung mga hindi direktang nagbibigay ng serbisyo sa publiko, bilang isang paraan sa pagpapagaan ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.
Apela rin ng mga mambabatas ang pagma-maximize ng Telecommuting Law o ang Work from Home Law.





Comments