UST student, tumalon mula 2nd flr. ng dorm, patay

Dedo ang isang BS Accountancy student ng University of Sto. Tomas (UST) makaraang tumalon mula sa ikalawang palapag ng tinutuluyang dormitoryo kahapon ng umaga sa Sampaloc, Manila.
Ayon kay PMSG Donald Panaligan, alas-8:50 ng umaga nang mangyari ang insidente matapos makarinig ng malakas na kalabog ang caretaker ng naturang dormitoryo.
Nagkakape umano siya sa harap ng dormitoryo nang makarinig ng kalabog at nakita niya ang duguang biktima.
Agad umano siyang nagtungo sa Unit 204 saka nito inimpormahan ang dalawang kasama ng biktima sa kuwarto.
Agad umanong dinala ang biktima sa UST Hospital ngunit, makalipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay.
Inimbitahan naman ng pulisya ang dalawang kaklase nito upang imbestigahan sa posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.





Comments