top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nanay inilibre sa salon, anak tinangay.. ‘Agaw-beybi’ gumagala

  • BRT
  • Nov 14, 2019
  • 1 min read

Isang ina ang nabiktima ng kakaibang modus ng hinihinalang kidnaper sa Bacolod City.

Batay sa ulat, naglalakad sa isang ospital ang ginang habang buhat ang kanyang beybi nang makilala ang babaeng suspek.

Nagpakilala umano itong kamag-anak niya kaya napanatag ang kanyang loob.

Hanggang sa yayain ito ng suspek na ililibre ng hair treatment sa isang salon at pumayag naman ang biktima.

Gayunman, habang nagpapaayos ng buhok ang nanay, nagprisinta ang suspek na bantayan ang kanyang anak.

Kasunod nito, nagpaalam ang suspek na bibili ng pagkain bitbit ang sanggol subalit, hindi na ito bumalik, tangay ang bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page