Kickboxing, sisipa ng medalya sa 30th SEAG

Photo: pna.gov.ph
Dekoradong mga trainers ang magiging pangunahing gagabay sa 8-man team ng Philippine kickboxing team na unang masisilayan sa 30th edisyon ng Southeast Asian Games simula Nob. 30-Dis 11 sa bansa.
Dumaan sa mga mahuhusay na mga kamay at instruksyon nina two-time Olympian Donald Geisler at Team Lakay head coach Mark Sangiao.
Aminado ang pamunuan ng National Team na may kakayahan ang kanilang koponan na mahigitan ang inaasahang bilang ng medalya na kanilang makukuha sa inagurasyon ng laro nito sa darating na 30th edisyon ng SEAG simula Nob. 30-Dis 11 sa bansa.
Nais ni Samahang Kickoxing ng Pilipinas secretary-general Atty. Wharton Chan na makuha ng kanyang buong koponan ang bilang ng gintong medalyang nakalinya sa kanilang sports kung saan isasalang ang 8-man Filipino squad na kayang magwagi ng anumang medalya sa nakatakdang Dec. 6-10 na laban sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“As much as we want to be confident, siyempre we also want to be modest. Our assessment for the SEA Games is that everyone would be a medalist,” wika ni Chan, Martes sa lingguhang PSA Forum sa Amelie Hotel-Manila kasama sina Ruel Catalan (57 kg), Karol Maguide (51 kg), Jerry Olsim (69 kg), Rex De Lara (60 kg) at boxing coach Glenn Mondol.
Kabilang sa mga bubuo sa contact sports ay sina Jomar Balaguid (54 kg), Jean Claude Saclag (63 kg) at women’s duo na sina Renz Daquel (48 kg) at MMA fighter Gina Iniong (55 kg).
Inaasahang bubuhos ang magiging laban ng pambansang koponan laban sa powerhouse Thailand, Indonesia, Malaysia, Laos at Vietnam.
Magkakaroon pa ng isang training camp sa mga bulubundukin ng La Trinidad, Benguet ang pambansang koponan at nabiyayaan rin ng foreign exposures sa Taiwan at Cambodia.





Comments