Boring daw kasi at walang dating… Sam, bida noon, 'alalay' na lang ngayon sa movie nina Coc
- Beth Gelena
- Nov 14, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Kasama pala si Sam Milby sa movie ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival na Mission Unstapabol: Tripol Trobol.
Nag-umpisa nang mag-shoot ang actor kasama si Jennylyn Mercado, ang leading lady sa filmfest entry ni Coco.
Marami ang nakapansin na matagal-tagal ding nawala si Sam after ng trending teleserye na Halik. Ayon sa mga detractors ng Kapamilya actor, bakit nagiging supporting na lang daw ngayon si Sam?
Sila na rin ang sumagot, “Dull and boring kasi si Sam.”
“Dati, leading man ni Jennylyn si Sam Milby, ngayon supporting na lang siya sa Coco-Jennylyn-Ai Ai movie. Pero okay lang, guwapo pa rin si Sam.”
Marami naman ang humanga sa angking kagandahan ni Jennylyn. May personal photographer daw siguro ang Kapuso actress kaya ang gaganda ng kuha nito.
At ang bewang, grabe sa liit kaya seksing-seksi.





Comments