top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Baril nililinis, pumutok.. BFF sapul sa ulo, todas

Madel Moratillo
Nov 14, 2019
1 min read

Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kanyang matalik na kaibigan sa loob ng kanilang silid sa Taytay, Rizal, kamakalawa.

Agad pumanaw ang biktimang si Leonardo Magpusao habang arestado naman ang suspek na si Donhelle Camba, kapwa nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Sta. Ana, Taytay.

Ayon sa Taytay Police, natutulog ang biktima sa kanilang kama habang nakaupo naman sa kanyang tabi ang suspek at nililinis ang pistola nang aksidente itong pumutok at tumama sa ulo ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang pistola na may magazine at fired cartridge, na ayon sa mga pulis ay pagmamay-ari umano ng biktima ngunit, wala itong mga kaukulang dokumento.

Ang suspek ay nakadetine na sa presinto at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms sa piskalya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page