Pera, cellphone at motor tinangay.. Grabfood rider, hinoldap ng 2

Isang rider ng food delivery service ang hinoldap ng dalawang suspek kung saan tinangay din ang motorsiklo nito sa Quezon City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang dalawang suspek na tila naghahanap ng target nang makita ang GrabFood rider sa Road 4, Bgy. Project 6. Tinangay ang pera, cellphone at maging ang motorsiklo ng biktima.
Ayon sa rider, lalaban sana siya pero, naglabas ng baril ang isa sa mga suspek.
Sinubukan pa umano nitong habulin ang mga holdaper hanggang sa Mindanao Avenue subalit, bigo siyang maabutan ang mga ito.





Comments