Pagpuwesto kay VP Leni sa drug war, buwelo sa pagpapasa ni P-Digong ng puwesto
- Ka Ambo
- Nov 13, 2019
- 1 min read
Hindi na raw magbabakasyon si P-Digong nang tatlong araw.
Baka natakot siya kay Hudas?
◘◘◘
MAY ilang amuyong ang nais nang bumaligtad sa kampo ni VP Leni.
The early, the merrier!
◘◘◘
ANG pagkakaloob ng poder kay VP Leni ay buwelo sa transisyon?
Sinusunod lang ni PRRD ang kanyang ‘instinct’!
◘◘◘
KUNG may ‘instinct’ si P-Digong, siyempre, may ‘instinct’ din ang kanyang mga kapanalig.
‘Yan ang survival of the fittest at ‘instinct’ din ng mga oportunista!
◘◘◘
MALAKING problema ni P-Digong kung paano niya tatalunin ang “stress” kapag naramdaman na niya ang pagiging “lameduck president”.
‘Yan ay karaniwan ding nararanasan sa panahon ng “menopause”!
◘◘◘
PAANO kaya reresolbahin ang kawalan ng PNP chief?
Dumarami na ang patayan at holdapan!
◘◘◘
MAHIRAP talaga ang maging pangulo ng Republika.
Normal lang ‘yan — ‘yan din ang problema sa Amerika!
◘◘◘
HIGIT na buwenas si P-Digong kaysa kay U.S. Pres. Trump dahil kapanalig niya ang mga sipsip at oportunistang mambabatas.
Hindi siya iniiwanan — hangga’t may “bilyong pork barrel”!
◘◘◘
INUULIT natin, ang pork barrel ay hindi espesipikong pondo, bagkus, ito ay tradisyunal na modus ng korupsiyon sa ‘Pinas.
Ang modus ay hindi naglalaho at hindi nakikita tulad ng kuwento ng aswang na pabalik-balik lang ang ikot ng istorya!





Comments