top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Menor-de-edad, 7 pa huli sa aktong nagsa-shabu

  • Maeng Santos
  • Nov 13, 2019
  • 1 min read

Walo katao kabilang ang isang menor-de-edad at limang bebot ang arestado matapos mahuli sa aktong nagsa-shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Deputy for Administration PLt. Col. Ferdie del Rosario ang mga naarestong sina Leilanoie delos Santos, 22, service crew; Anwar Diamla, 20, maid; Yolanda Roxas, 55; Ardeo Duran, 39, driver; Melissa Ginon, 37; Marie Samman, 39; Jenny Baldo, 34, at ang 17-anyos na binatilyo.

Isang concerned citizen ang nagtungo sa himpilan ng pulisya at ini-report ang nagaganap na drug session sa loob ng isang bahay sa Bgy. 73.

Agad itong pinuntahan ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang PCP-2 sa pamumuno ni PMaj. Rengie Deimos para i-verify ang ulat.

Pagdating sa lugar, ala-1:45 ng madaling-araw nang mapansin ng mga pulis na nakabukas ang pinto ng napaulat na bahay at naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob.

Narekober sa mga suspek ang limang sachets ng shabu at drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page