top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imbes body camera sa mga pulis — Cayetano.. Media, isama sa anti-drug operations

  • Jeff Tumbado
  • Nov 13, 2019
  • 1 min read

Malalagay lang umano sa panganib ang buhay ng mga law enforcers kung pagsusuotin ang mga ito ng body camera lalo na sa anti-drug operation.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, mas makabubuti pang magsama ng media na may bitbit na camera kung may anti-criminality operation dahil bahagi ito ng kanilang training.

Gayunman, iba na aniya ang usapan kung mga pulis ang magsusuot ng body camera dahil nakapagpapabago rin ito sa attitude o pag-uugali ng mga awtoridad.

Diin ni Cayetano, hindi naman ginagawa sa ibang bansa tulad ng drug enforcement agency ng Estados Unidos o ng Federal Bureau of Investigation ang pagsusuot ng body camera, maliban na lang kung may malalaking target na operasyon tulad ng international terrorist leader.

Nauna nang sinabi ni Vice-President Leni Robredo na nais nitong magsuot ng body camera ang mga pulis sa kanilang anti-illegal drugs operations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page