top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 13, 2019 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 13, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2019 (Miyerkules): Ma­rami ang mananamantala sa iyong kabaitan, pero hindi makalilimutan ng langit na pagkakalooban ka ng mga biyaya at pagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang tata­lunin ng iyong emosyon. Ma­ka­gagawa ka ng mga bagay na labag sa iyong mga plano sa buhay, pero hindi ka mag­sisisi dahil ang pag-unlad mo ay tuluy-tuloy pa rin. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-24-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang bulong ng iyong damda­min kahit ito ay hindi pina­paboran ng iyong isip. Ang kaligayahan ay nagmumula sa puso at hindi sa isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-25-28-35-39-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Pakinggan mo ang mga mung­kahi sa iyo. Ma­laki ang maitutulong ng mga payo ng ibang tao para sa ika­gaganda ng iyong mga pro­yekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-18-21-24-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ngayon ang iyong kapala­ran, ibig sabihin, ang iyong kabiguan at tagumpay ay nakasalalay sa iyo. Gawin mo na ang mga dapat mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-20-28-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Kung saan luluwag ang kalooban mo, roon ka! Huwag mong yakapin ang pag-iisa dahil ang lungkot ay iyo ring mayayakap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-24-41-44-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa masayang pag­­sasama-sa­ma at kahit hindi mo gusto, gawin mo ito. Kahit ang hilig mo ay katahimikan at pag-iwas sa maraming tao, gawin mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-29-31-38-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang ganda ng mga bulaklak, kumukupas din ang kislap ng isang bagay. Ang maha­laga sa tao ay ang pagha­handa para sa kanyang ki­na­bukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-19-24-25-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalapit sa iyo ang suwerte mo, pero ang lapit niya ay paghingi ng tulong. Kapag pinagbigyan mo ito, ang kapalit ay wa­lang tigil na pagdagsa ng magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-25-27-30-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makiba­hagi ka sa pag­buo ng plano kung paano pasasayahin ang mga tao. Huwag mong ipagdamot ang mga ka­ka­iba at nakamamanghang ideya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-26-28-30-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ma­halaga kung makikinabang ka dahil ang mahalaga ay mabigyan ng saya ang mga malalapit sa puso mo. Sa ganitong paraan, sisigla ka at magbabalik ang mga suwerte mo sa buhay. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-21-22-23-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magba­ba­lik sa iyo ang ayaw mong mag­balik, pero wala kang ma­gagawa dahil dito sa mun­do, isang katotohanan ang pakikipagbalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-14-15-21-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong salungatin ang agos ng mga pangyayari sa buhay mo. Ang lahat ay kailangang ma­ganap nang sa gayun ay mabigyang-daan ang pag­da­ting ng mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-9-10-16-17-29-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page