top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit sa Kamara.. Robredo, ilatag ang mga plano sa drug war

  • Jeff Tumbado
  • Nov 13, 2019
  • 1 min read

Pinaiimbitahan sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs si Vice-President Leni Robredo upang mailatag ang mga programa nito sa giyera laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., makatutulong sa gobyerno kung malinaw na nakahanay ang mga plano ni Robredo na itinalagang co-chairperson ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa ganitong paraan, magiging iisa ang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at nang makabahagi rin ang sangay ng Lehislatura sa mga hakbang at pagsisikap na matapos na ang problema sa illegal drugs.

Naniniwala si Barzaga na dapat pumasok na rin sa anti-drug campaign ang Hudikatura sa pamamagitan ng mabilis na pagresolba sa drug-related cases at sa paglilinis mula sa sinasabing mga narcojudge.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page