Annulled na kay Cesar… Sunshine, nagsalita na sa kasal nila ni Macky
- Beth Gelena
- Nov 13, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Nagsalita na si Sunshine Cruz hinggil umano sa nababalitang magpapakasal na sila ng three years boyfriend na si Macky Mathay.
Finally, annulled na si Sunshine sa ex-husband actor na si Cesar Montano kaya may naglalabasang magpapakasal na umano ang sexy actress.
Inamin naman ni Sunshine na napag-uusapan din nila ang kasal, pero idinenay niyang nagpaplano na sila ni Macky. Gusto raw niyang mag-focus muna sa kanyang career na ngayon lang niya sobrang nai-enjoy.
Ibinahagi rin ng aktres na masaya siya kahit may mga hardships pa rin sa buhay.
Ani Sunshine: “Of course, nandu’n ‘yung napag-uusapan namin, pero sabi ko nga, I’m not ready yet. He’s even joking na ‘What if I propose?’ I’ll say ‘No’. Sabi niya, ‘I’ll find a way for you to say yes.’”
Dugtong pa ng aktres: “Kasi I just got annulled last February, officially annulled this February. Okay naman kami for now, sa kung ano’ng meron kami. Hindi kami nagmamadali, we have our jobs na kailangan naming mag-focus.”





Comments