top of page
Pokwang.jpg

TV host, nagparamdam na… Pagbabalik-TV ni Kris, pinagpipiyestahan

Beth Gelena
Nov 12, 2019
2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Ang haba ng mensahe ni Kris Aquino sa kanyang social media account na pasasalamat sa mga taong hindi siya iniwan sa kabila ng mga struggles na kanyang pinagdaanan at sa mga naniniwala sa kanya at nakasama niya hanggang sa dulo, lalo na nang hindi na siya nagho-host.

Ani Kris: “Para malaman n’yo na may mabubuting tao pa rin sa mundo at hindi dapat mawalan ng tiwala.

“Ang lahat, nangyayari sa ‘timing’ ni God. At siguro higit sa lahat, MA­BAIT at MAPAGMAHAL talaga ang Diyos.

“Kailangan lang natin MAGTIWALA lalo na sa gitna ng mga pagsubok… na ‘pag nadapa, ‘yung magbibigay ng kamay para tulungan kang bumangon, guardian angel na ipinadala ng Panginoon kasi darating ang panahon na ikaw naman ang mabibigyan ng paraan para magpakita ng malasakit mo sa kapwa.”

Sabi pa ng Queen of All Media tungkol sa lahat ng mga pinagdaanan na kanyang nalampasan, “Uma­apaw na ang LIFE LESSONS na baon ko.”

Natuto na raw siya na muling harapin ang buhay kaya aniya, “Ready… game na… now na…”

Sa sinabing ito ni Krissy, may mga nag-a-assume na siya ay muling babalik sa pagho-host at base rin sa mga komento ng mga netizens, may pasubali ngang balik-hosting ang mother nina Josh at Bimb.

“Well, it’s about time! Kahit ganyan ‘yan si Kris, napakagaling n’yan mag-host mapa-game show, talk show or whatever show. Kayang-kaya n’ya magdala ng show nang walang co-host at hindi umaasa sa idiot board, haha!”

Matagal na raw namang nakapagpahinga ang Queen of All Media at panahon na para siya ay bumalik sa pagho-host.

“She’s super intelligent and blessed with eloquence.”

‘Wag din daw i-compare ang pagho-host ni Kris kay Karla Estrada dahil wala pa raw sa kalingkingan nito ang ina ni Daniel Padilla kung hosting ang pag-uusapan.

“Madam, sana nga it’s about time! Tumabi na ‘yung mga boring na hosts!” hirit ng fan ni Kris.

Ang iba naman ay nagtatanong kung babalik si Krissy sa ABS-CBN dahil gusto nilang gawin ng TV host-actress ang Pilipinas, Game Ka Na Ba?.

Ikinonek naman ng isang netizen ang huling sinabi ni Kris. “Parang ganyan nga ang gagawin niya. Aniya, ‘GAME NA, NOW NA.’”

May netizen na gustong ibalik ang The Buzz with Kris at Boy Abunda. Nami-miss na raw kasi niya ang every Sunday showbiz talk show.

Palaisipan naman ang sinabing ito ng isang netizen.

“I think this is about the rumored axing of another daily game show or a weekly variety show. And could it be na siya ang papalit with a revamped, reformatted and resurrected iconic Game KNB? Hmmm. Magkikita ba sila ulit ni BFF turned sour? Maili-link kaya siya with her rumored ex-willionaire? Only Krissy can tell.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page