Tambak na basura sa Divisoria, balik na naman, mga vendors, dugyot talaga!
- Isko Moreno
- Nov 12, 2019
- 1 min read

Nakakadismaya na matapos bigyan ng pagkakataong mamuhay ang ilang vendors sa Divisoria, tambak-tambak na basura ang isinukli nito sa taumbayan.
Minsan, gusto tuloy natin silang tanungin, hindi ba kayo nahihiya o talagang dugyot kayo sa bahay? Kailangan pa ba kayong sorpresahin? Pinaghahanapbuhay na kayo, eh, wala — wala pa rin kayong kusa.
Binabalaan natin ang mga ilegal na ‘organizer’ na kung puwede lang ay isauli n’yo na ang perang in-advance n’yo sa mga vendors. Kayo ang nagpapaputok. Binalahan n’yo ang mga vendors: Pasko na, babalik na tayo!
Mga abusado at mapanlinlang kayo. Matiyempuhan lang namin kayo, makita n’yo talaga! Bumalik na kayo sa dati ninyong bayan!
◘◘◘
Inaanyayahan natin ang lahat na dumalo sa pag-iilaw ng Christmas tree at parol na gaganapin sa bandang Kartilya, Bantayog ni Bonifacio bukas, Miyerkules, ika-13 ng Nobyembre, 2019.
Sasabayan din nito ang pag-iilaw ng mga puno at parol sa Luneta Park, Intramuros, Escolta, Tutuban Mall, Paco Park, Philippine Post Office, National Museum at Rizal Park Hotel.
Ang ating programa ay pasasayahin ng mga inihandang musika mula sa Adamson University Chorale at Adamson University String Orchestra.





Comments