Papalitan ni Sen. Bong… Gloria Romero, 'di na kayang mag-taping, show tsutsugihin na
Nitz Miralles / Bida

Ang show na tatampukan ni Sen. Bong Revilla, Jr. pala ang ipapalit ng GMA-7 sa Daig Kayo ng Lola Ko. At dahil aprubado na ng management ang concept at pati na siguro ang iba pang kakailanganin, malapit na ang storycon at susunod na ang taping at airing nito.
Tatapusin na ang Daig Kayo ng Lola Ko dahil hindi na raw kaya ni Ms. Gloria Romero ang mag-taping kaya ang comeback TV show ni Sen. Bong ay ilalagay sa time slot nito every Sunday.
Si Nova Villa ang pumalit kay Ms. Gloria, kaya lang, meron pa siyang Pepito Manaloto at nagge-guest din sa iba pang shows ng GMA-7.
Sana ang mga batang kasama nina Ms. Gloria at Nova sa Daig Kayo ng Lola Ko ay isama rin sa show ni Sen. Bong para may regular show pa rin sila.





Comments