P-Digong, 3 days pahinga
Yumao na ang matandang Gokongwei.
Namatay naman ang ‘junior’ ni Lucio Tan.
Kahit bilyonaryo ay hindi ligtas sa tawag ng “Maykapal”!
◘◘◘
MAGBABAKASYON si P-Digong nang tatlong araw.
Makaraan ang “ikatlong araw”, sana ay “bumangon” siya!
◘◘◘
UMAKTO na si VP Leni bilang anti-drug queen.
Nagpalabas na siya ng mga press release!
◘◘◘
AYON sa IMF, baon sa utang ang gobyerno at pribadong sektor.
Eh, sino ang nagpapa-5-6?
◘◘◘
ANG daigdig ay hindi kontrolado ng mga gobyerno.
Ang galaw ng mundo ay kontrolado kung sino ang “may salapi”!
◘◘◘
NAGTATAKA ang mga eksperto kung bakit nagkakasabay-sabay ang lindol sa Mindanao.
Sentido-kumon, nagkakasunud-sunod ang lindol sa simpleng dahilan — may nag-alburutong bulkan sa ilalim ng lupa!
◘◘◘
MAY pakiramdam tayo, makaraan ang 6 hanggang 12 buwan — may malaking bulkan sa Mindanao ang sasabog.
‘Yan ang naganap nang sumabog ang Bulkang Pinatubo, nauuna ang malalakas na lindol ilang buwan bago ang alburuto ng natutulog na bulkan!
◘◘◘
SA sobrang talino ng tao, madalas nang makalimutan ang “basic” o pundasyon ng kaalaman.
Kumbaga sa computer, ano ang dapat gawin kapag may “error”?
Siyempre, i-reboot!
◘◘◘
GANYAN din dapat ang gawin sa war on illegal drugs: Back-to-basic.
Imapa o sonahin ang mga barangay upang matukoy kung sino ang mga adik.
Balikan ang listahan ng mga “front ng drug lords” saka kumilos nang todo!





Comments