Diliman may do-or-die match vs. Olivarez sa UCBL finals

Bumawi nang malaki ang guwardiyang si Robbi Darang upang ibigay sa defending champion Diliman College ang tagumpay kontra sa Olivarez College, 82-72, sa Game 2 ng seryeng best-of-three para sa Fourth PG Flex Linoleum Universities and Colleges Basketball League (UCBL) sa Dr. Pablo R. Olivarez College Coliseum Lunes ng hapon. Tumabla ang serye sa 1-1 at ang ikatlo at huling laban ay gaganapin ngayong Huwebes sa parehong lugar. Walang ginawang puntos si Darang sa Game 1 noong Huwebes kung saan nanalo ang Sea Lions sa likod ni Most Valuable Player Joel Solis, 64-62. Bilang beterano, pinasabog ni Darang ang 17 ng kanyang 25 puntos sa second half kung saan umabot ng 19 ang lamang ng Blue Dragons, 54-35.
Nakahirit pa ang OIivarez pagsapit ng huling quarter, 59-67, subalit sinagot ito ng tres ni Billshan Digno at nagising si Kevine Gandjeto para ipasok ang lahat ng kanyang 8 puntos upang mapigil ang pagbulusok ng kalaro.Sinundan si Darang nina Johnnel Rey Bauzon na may 12 puntos at 8 rebounds at Abdoulaye Niang na may 12 puntos at apat na rebounds.
Samantala, kasabay ng pagdaraos ng bansa sa World AIDS Day sa Dis. 1, nag-organisa ang R&C Events at ang LCAB Metal Crafts ng unang fun run event na Takbo Para sa Kabataan GenRun 2019 upang madulutan ng benepisyo ang mga kabataang may sakit na HIV sa Dis. 15.
Ayon kay Mr. Raegina Atienza Galera ng R&C at Race Director Rey Galaroza, ang event ay pakay na i-promote ang health status at pagkamulat ng lahat sa mga dumaranas ng naturang karamdaman na bigyan sila ng pagmamahal at suporta. Makakapili ang mga mananakbong lalahok sa mga distansiyang 16-km (P975), 10-km ( P775), 5-km (P675) at 3-km (P475) at para sa pagpaparehistro ay mag-email sa takboparasakabataan2019@gmail.com. May singlet, medal, race bib, e-certificate at sponsors loot ang mga lalahok. Sisimulan ang patakbo ng 4 a.m para sa 16-km, 4:45 a.m sa 10-km, 5 a.m. sa 5-km at 5:30 sa 3-km.





Comments