Horoscope | Nobyembre 12, 2019 (Martes)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2019 (Martes): Huwag mong sayangin ang mga oras at panahon mo sa pag-iisip kung paano tatalunin ang kapwa mo. Tutukan mo ang iyong mga ambisyon sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang aatras. Ang pag-asenso ay pasulong at ang pag-unlad ay ganundin. Kahit ano ang iyong maranasan, tahakin mo nang tuluy-tuloy ang landas ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-35-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nawawala ang kontrabida sa buhay ng bawat tao, pero sila rin ang nagpapaganda sa kapalaran ng kanilang kinokontra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-20-23.
GEMINI (May 21-June 20) - Alagaan mo ang mga napakinabangan mo na. Huwag kang pabaya dahil baka mawala pa sa iyo ang mga ito. Habang ginagawa mo, mag-isip ka kung paano darami ang mga ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong kontrahin ang sarili mo. Kung ano ang napagdesisyunan mo, ‘yun ang gawin mo. Sa buhay ng tao, ang pabagu-bago ng isip ay hindi magandang makaugalian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-21-27-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat magpaapekto sa maliliit at pangkaraniwang nilalang. Hindi sila ang kauri mo kaya walang saysay ang pakikipagtalo sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-14-28-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang mahirap na sitwasyon na hindi mo kayang lagpasan. Sapat ang talino mo at karanasan para magpatuloy ang magandang takbo ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-19-26-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangang magpaliwanag tungkol sa buhay mo. Mauubos lang ang mahahalagang oras mo sa mga bingi sa katwiran at makitid ang isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-16-20-25.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malaki ang isusulong ng iyong buhay kapag tahimik mong ginawa ang mga pagsisikap mo. Kapag maraming nakikialam, gugulo lang ang iyong isipan at kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-44-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo at hindi mo kailangang magmadali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-27-30-33-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoong hindi nabubuhay ang tao sa sarili lang kaya kailangan niya ang kapwa niya, pero iiksi ang buhay kapag hindi ka nakalayo sa mga nagpapasakit ng ulo mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-25-30-31-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang panalo kung hindi ka hihinto sa pakikipaglaban. Huwag mong kalimutan na ang unang umayaw ay talo, pero ang makulit at mapagpilit ay ang may karapatan sa tropeo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-23-30-38-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawin, susuwertehin ka kaya lang, magdaragsaan ang mga naiinggit sa iyo, lalo na sa hanay ng sikap nang sikap, pero walang nangyayari sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-20-27-33-32.




Comments