top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bawas-trapik ngayong Kapaskuhan — MMDA.. Pag-aayos ng mga kalsada, stop

Gina Pleñago
Nov 12, 2019
1 min read

Bawal muna ang paglalagay ng aspalto at pagpapaganda sa mga siyudad ng Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kahapon.

Una nang inanunsiyo ng MMDA na ipinagbabawal na ang weekdays sale sa mga mall mula Nobyembre 11 hanggang Enero ng 2019 para maiwasan ang matinding trapik dulot ng holidays o sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Siniguro naman ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na kapag may mga emergency naman na kailangan ang pagsasara ng mga lansangan tulad ng mga nasirang tubo ng tubig, mga kable ng kuryente na dapat ayusin at ang programang may kaugnay sa Build Build Build Program ay maaari itong payagan ng mga Local Government Units (LGUs).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page