Angkas driver at pasahero, arestado sa shabu

Huli ang driver ng ride-sharing app na Angkas at ang pasahero nito makaraang makuhanan ng 24 sachets ng shabu sa Cubao, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa driver, isinabay lang niya ang babae at pagbaba nito ay nagulat na lamang siya na puno na ng shabu ang helmet.
Gayunman, giit ng babaeng pasahero, ibinugaw siya ng kanyang kaibigan para kitain ang rider.
Nagtalik umano sila pero, sa halip na pera ay shabu ang ipinambayad sa kanya.
Samantala, magkaiba man ang salaysay nila, kapwa silang makukulong.
Sa buy-bust na isinagawa, nabilhan ng ilegal na droga ang babae matapos nitong kumuha ng supply sa lalaki.
May nakuha ring shabu sa bra ng babaeng suspek.





Comments