Seaman at GF, susuwertehin kung pula, lavander o green ang motif sa kasal
- Maestro Honorio Ong
- Nov 11, 2019
- 1 min read
Dear Maestro, Limang taon na kami ng boyfriend ko na seaman at gusto kong malaman kung kami na ang magkakatuluyan? At sa kanyang pag-uwi galing sa abroad, balak na naming magpakasal. Matutuloy ba ang kasal at magiging maligaya kaya ang papasukin naming pag-aasawa at uunlad ang aming itatayong pamilya? April 3, 1991 ang birthday ng boyfriend ko at August 15, 1990 naman ako.
Umaasa, Marichu ng Busuran 1st, Pandi, Bulacan
Dear Marichu, Ang zodiac sign mong Leo at Aries ng boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong fire o apoy, habang ang birth date mong 15 o 6 (1+5=6) at 3 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing, bukod sa zodiac sign, sadyang compatible rin kayo sa birth date.
Ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng dalawang tao na kapwa nagtataglay ng fire element ay suwetung-suweto sa isa’t isa, gayundin ang numerong 6 at 3 ay kapwa nasasakupan ng numero na series of 3-6-9.
Upang maging maligaya at maging successful ang papasukin n’yong pag-aasawa sa 2020 o 2021, itapat ang pinaplanong pagpapakasal sa buwan ng June hanggang July o November hanggang December, sa mga piling petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 5, 14 at 23, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang new moon o full moon.
Pula o violet, lilac, lavander o asul naman ang gamitin n’yong motif sa kasal at puwede ring green upang sa ganyang paraan, sigurado na ang magaganp, magtatamo kayo ng maunlad, masagana at maligayang pagpapamilya, habambuhay.




Comments