top of page
Pokwang.jpg

Marami na raw ang nagsabi sa kanya, JaDine… Rita, proud na kamukha si Nadine

Janice DS Navida
Nov 11, 2019
1 min read

May mga anggulo pala ang bida ng One of the Baes na si Rita Daniela sa seksing aktres na si Nadine Lustre.

Sa VTR na ipinala­bas ng Beautederm skin products para ipakilala ang mga bago nilang endorsers na kinabibilangan nina Rita, Ken Chan, Camille Prats, Pauline Mendoza at Sanya Lopez, napansin naming medyo may pagka-’siopao’ lang ang face ni Rita pero may hawig siya kay Nadine sa ilong at hugis ng mukha.

At nang hiningi namin ang reaksiyon ni Rita sa pagiging look-alike nila ni Nadine, aniya, marami na raw ang nagsabi sa kanya. Of course, proud daw siya at medyo kinilig na magkamukha sila.

Hindi naman siguro iba-bash si Rita ng mga fans nina Nadine at James Reid dahil lang sa sinabi niyang magkamukha nga sila. Aminado siyang magkahawig sila pero hindi naman niya sinabing magkasing-sexy sila ni Nadine, ha?

Tanggap ni Rita na medyo ‘heavyweight’ ang dating niya sa TV pero tina-try naman daw niyang mag-diet, ‘yun nga lang, nagkakasakit siya.

Pero aniya, mas okay na raw ‘yung kahit masyuba siya, may talent naman siya sa acting at nakaka-proud daw na ‘yun ang makita ng mga fans, kesa naman daw ‘yung sexy nga siya, tapos waley namang talent.

Awww! Sino kaya ang ganyan, Rita? Charot!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page