Lady Tamaraws vs. Tigresses naitakda sa twice to beat

Hindi matatawaran ang ipinakitang effort ng Adamson University partikular si Mar Prado ngunit nagawa pa rin silang lusutan ng Far Eastern University (FEU) para maiposte ang 79-73 panalo at sumulong sa ikalawang laro ng stepladder semifinals ng UAAP Season ‘82 Women’s Basketball Tournament kahapon sa Araneta Coliseum.
Umiskor ng 22 puntos si Valerie Mamaril mula sa 22 puntos, 6 rebounds, 6 assists at 3 steals para panguna sa naturang panalo ng 4th-seeded Lady Tamaraws kontra 3rd seed Lady Falcons.
Dahil sa panalo, ang FEU ang makakatunggali ng second seed at twice-to-beat University of Santo Tomas (UST) para sa pagkakataong makaharap ang unbeaten at defending champion National University sa best-of-3 finals. “Sobrang saya, kasi hindi pa tapos,” ayon naman kay FEU center Clare Castro na tumapos na may 18 puntos at 17 rebounds.
“Noong nanalo kami, mas humaba pa ang time namin sa FEU. Siyempre, mas lalaban kami.”
Naiwan ng 14 puntos, na naibaba ng Lady Falcons sa pamumuno ni Mar Prado ang lamang sa apat, 62-66, may 4:38 pang nalalabing oras.
Nagpatuloy sa pagpupumilit ang Lady Falcons na dumikit at naibaba pa nila ang bentahe ng Lady Tams sa dalawang puntos, 73-75, 27.7 segundo na lamang ang naitira sa game clock.
Pero dagli ring nakaiskor ulit ang Lady Tams sa pamamagitan ni Choy Bahuyan na nagbuslo ng isang baseline jumper na sinundan pa niya ng isang defensive stop bago tuluyang sinelyuhan ang panalo nila ng dalawang freethrows.
Ang kabuuang 11 puntos na output ni Bahuyan ay itinala niya sa 4th period di pa kasama ang kinaldag niyang 13 rebounds. Nawalan naman ng saysay ang game high 34 puntos kasama na ang 10 rebounds ni Prado dahil di nito naisalba ang FEU sa pagkatalo.





Comments