top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

KDJM racing festival larga sa Metro Turf

Ding Taboy
Nov 11, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw sa Nob. 24 ang Klub Don Juan De Manila Racing Festival sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas.

Matutunghayan ang limang karerang inihanda ng KDJM sa iba’t ibang kategorya gaya ng Don Juan Derby, KDJM Golden Girl Stakes Race, KDJM Juvenile ‘Colt’ Stakes Race, KDJM Juvenile ‘Fillies’ Stakes Race at KDJM Magic Millions Australia Stakes Race.

Anim na kalahok ang nakatakdang tumakbo sa Don Juan Derby sa pangunguna ng Chance The Race, Joyous Solution, Miss Campbell, Shanghai Grey, War Commander at Will To Win.

Ang Don Juan Derby ay tatawid sa 2,000 meters at may nakalaang papremyo sa 1st place na P900,000, ang 2nd place ay may P337,500 samantalang mag-uuwi ang 3rd place ng P187,500 at tatanggap ng P75,000 bilang 4th place.

Maghaharap sa KDJM Golden Girl Stakes Race ang mga kalahok na Certain To Win, Matriarchal, Princess Eowyn, Sooner Time, Trust Me, Shanghai Grey, War Commander at Stella Malone na may guaranteed prize na P500.000 para sa apat na makatatawid sa finish line.

Maglalaban sa KDJM Juvenile ‘Colt’ Stakes Race, ang mga kalahok na Bulwagan, Four Strong Wind, Noon Bell,Puro Asset at Spandau Ballet at nakataya ang P500,000 na guaranteed prize sa apat na makatatawid sa finish line.

Maghaharap ang mga kalahok na Batang Evalom, Carmela’s Fury, Divine’s Success, Dream Team, Fortress, Independencia Real, Kindred Soul, Our Secret , Parokya ni Pablo at Sky Candy sa KDJM Juvenile ‘Fillies’ Stakes Race sa distansiyang 1,400 meters na nakataya ang guaranteed prize na P500,000 para sa makatatawid sa finish line.

Walo ang maghaharap sa KDJM Magic Millions Australia Stakes Race sa pangunguna ng Hidden Light, Garantisado, Divine Zazu, Ginuhit ng Tadhana, Fort Mckinley, Heluska, Mini Model at Vivid Pink.

Tatawid sa distansiyang 1,600 meters at may nakalaang na premyong P300,000 sa magiging kampeon, P112,500 sa 2nd place, P62,000 sa 3rd place at mapupunta sa 4th place ang P25,000.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page