Horoscope | Nobyembre 11, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 11, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2019 (Lunes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, tamarin ka man o maging masipag ka. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Pakinggan mo ang mga nagpapayo sa iyo, pero ang higit mong paniniwalaan ay ang sarili mong galing at husay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-19-20-24.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang manghihimasok sa buhay mo. Para hindi sumakit ang ulo mo, magkunwari kang nakikinig, pero huwag mo pa rin silang sundin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-17-23-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka dahil isinilang ka para magsaya, pero paghandaan mo pa rin ang iyong kinabukasan nang sa gayun ay maging masaya ang iyong buhay hanggang sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-24-25-41-43.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangkang bigyan ka ng kalungkutan ay makakalaban ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-22-25-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga negatibong tao kaya layuan mo agad ang mga ito. Masisira lang nila ang magandang diskarte na ginagawa mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-27-31-33-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo ang kakaibang galing mo dahil may magtatangkang kopyahin ang mga ideya mo. Baka maunahan ka at sila agad ang yumaman. Pagdamutan mo sila ng iyong mga nalalaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-35-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mong pasayahin ang sarili mo. Tulad ng nakaraan, pinasaya mo ang mga tao pero hindi sila gumagawa ng paraan para pasayahin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-31-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng masaya at sasaya ka. Magsuot ka ng kupas at mababawasan ang sigla mo. Mas magandang ang isuot mo ay magbibigay sa iyo ng lakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtira ka kahit konti para sa iyong kinabukasan. Ito ang susi ng pagpapayaman na kahit nagsasaya ay nakapaghahanda sa kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-26-30-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nawawala ang Haring Araw kahit madilim ang kalangitan. Hindi rin nawawala ang mga suwerte mo kahit dumaraan ka ngayon sa mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-19-20-21-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matakot makipagsapalaran. Ang totoo, ikaw ay ipinanganak na punumpuno ng pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-26-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Samantalahin mo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating kung kailan magagawa mong dagdagan pa ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-18-22-25-39.




Comments