Happy together, todo-bonding, Marjorie… Sigaw ni Claudine: Gretchen, best sister in the world!
- Nitz Miralles
- Nov 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @claubarretto
Magkakasama uli ang magkakapatid na Gretchen, JJ at Claudine Barretto at ang ina nilang si Mrs. Inday Barretto sa 90th birthday celebration ng mom ni Atong Ang na si Mrs. Catalina Ang.
Sa post ni Claudine, nakalagay ang location na Manila Arena na ang feeling namin ay sa Mall of Asia ginawa.
Walang makapag-comment sa post ni Gretchen dahil naka-set ang Instagram (IG) niya sa: “Comments on this post have been limited.”
Ang open ay ang comment section sa IG ni Claudine, kaya puwedeng mag-comment ang mga netizens sa post niya kasama ang mga kapatid at may caption na: “With my family” at sa photos nila ni Gretchen, may caption itong: “The best sister in the world.”
Comment ng mga netizens, mabuti at okay pa rin sina Atong at JJ after itanggi ng huli ang naging relasyon nila ni Nicole na anak ni JJ. Later on, inamin din ni Atong na nagkarelasyon nga sila ni Nicole.





Comments