College grad na hindi magamit ang pinag-aralan dahil sa ibang trabaho napasok
- Roma Amor
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Joy, 22, fresh graduate dahil Octoberian ako. Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko alam kung makakapagtrabaho ako na angkop sa kursong tinapos ko. Gayung kaga-graduate ko lang, wala pa akong TOR at diploma na palaging requirements sa paghahanap ng trabaho. Naisip kong maghanap ng pansamantalang trabaho kahit hindi angkop sa tinapos ko habang naghihintay ng mga dokumento. Tama ba ito? – Joy
Joy, Tama ang naiisip mo dahil mas mabuting magtrabaho kahit hindi konektado sa tinapos mo kesa sa maghintay lang nang maghintay. Sa ganu’ng paraan, makatutulong ka sa iyong pamilya, gayundin, makapagsisimula kang mag-ipon.Wala kang dapat ipag-alala dahil sa totoo lang, kahit magkalayo ang trabahong papasukin mo sa pinag-aralan mo, siguradong may matututunan kang bago. Go lang, beshy! Good luck!





Comments