Bukod sa tone-toneladang bigas.. Cash para sa mga biktima ng lindol
- Mylene Alfonso
- Nov 11, 2019
- 1 min read

Bukod sa tone-toneladang bigas, nagpaabot din ng tulong-pinansiyal sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato.
Batay sa ulat, iniabot kahapon ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas ang tig-kalahating milyong pisong cash sa mga alkalde ng Makilala at Kidapawan, North Cotabato para sa mga biktima ng lindol doon.
Ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, gagamitin ang nasabing halaga na pandagdag sa iba pang pangangailangan ng mga biktima.
Nagpasalamat din ang staff ni Makilala Mayor Armand Quibod sa tulong na galing din sa pamilya ni Cuevas.
Matatandaang, 30 toneladang bigas ang naunang binili mula sa mga local farmers at ibinigay sa DSWD sa Maynila na siya namang magdadala at magdi-distribute sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.





Comments