Walang budget? Tips para makatipid sa christmas decors
- Justine Daguno
- Nov 10, 2019
- 2 min read

Feel na feel na natin ang paglapit ng Pasko dahil sa panahon ngayon, kahit saan ka lumingon ay may makikita kang Christmas decorations. Ang saya! Pero hindi ba, mas masaya kapag pati sa bahay natin ay may mga dekorasyon din? Huwag kayong mag-alala kung budget ang problema ninyo dahil kering-keri ninyong ma-achieve ang masayang awra ng Pasko sa bahay gamit ang ilang budget-friendly Christmas decors na ito:
1. RECYCLED CHRISTMAS TREE. Huwag itapon ang mga lumang diyaryo, kahon, egg tray at scratch paper dahil kering-keri mo pang gumawa ng Christmas Tree gamit ang mga ito. Ang mga papel o diyaryo ang magsisilbing dahon sa puno at ang kahon o egg tray naman ay maaaring gamitin para tumayo ito.
2. SOCK SNOWMAN. For sure, meron kang mga lumang medyas na nakatambak sa iyong cabinet kaya besh, save some space dahil puwede mo itong gawing snowman. Kailangan mo lang ng puting medyas, bigas o buhangin na ibubuhos sa loob ng medyas para maghugis snowman, retasong tela bilang scarf, mga butones at pins para sa mga mata at ilong. Puwede itong i-display sa center table o ibabaw ng TV.
3. PAROL. Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang parol sa ating bahay. Madali lang gumawa nito dahil kailangan mo lang ng patpat na kawayan, cellophane, pandikit at gunting. Naaalala mo pa ba ‘yung parol na ginawa mo sa iskul nu’ng elementary at high school ka? Simple lang, ‘di ba?
4. CANDY JARS. Para mas mukhang masagana at masaya ang Pasko sa inyong tahanan, gumawa ng Christmas candy jars na puwedeng ipang-decorate sa salas. Kailangan mo lang ng clear na garapon, iba’t ibang kulay ng ribbon at candies na mabibili sa sari-sari store. Punuin ng makukulay na candies ang mga garapon, lagyan ng mga disenyo gamit ang ribbon at presto, may Christmas candy jars ka na!
5. GIFT PILLOWS. Para magmukhang regalo ang mga throw pillow sa sofa, palitan ito ng pula o green na punda at lagyan ng ribbon na pasok sa Christmas colors na babagay sa mga ito. Easy lang, ‘di ba?
Kita n’yo na? Madaling gumawa ng paraan para mapaganda ang inyong tahanan dahil hindi na kailangan ng mamahaling pandekorasyon para ma-achieve ito. Ready na ba kayong magdecorate? Puwede n’yo rin itong gawing bonding kasama ang mga chikiting. Okie?





Comments