top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tindahan nasunog, 78-anyos nadale

  • Mylene Alfonso
  • Nov 10, 2019
  • 1 min read

Napaso at bahagyang nasugatan ang isang senior citizen matapos sumiklab ang sunog sa tindahan ng surplus appliances kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Manila.

Kinilala ng Manila Fire Bureau (MFB) ang biktima na si Jojo Acosto, 78, may-ari ng tindahan ng sewing machine.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-3:00 ng madaling-araw mula sa tindahan ng second hand appliances na aircondition, refrigerator, sewing machine na pag-aari ni Jhonny Go.

Nadamay na masunog ang anim pang tindahan ng mga refrigerator, aircon, washing machine, mga helmet, sewing machine at pati na ang nakaparadang kotse sa tapat ng mga tindahan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fireout alas-3:44 ng madaling-araw.

Aabot sa P100,000 ang napinsalang ari-arian habang P1 milyon naman ang halaga ng mga panindang natupok.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page