Negosyante tinodas
- Janice Baricuatro
- Nov 10, 2019
- 1 min read

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin ang isang motor shop owner habang ito ay sakay ng kanyang motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Southwoods Boulevard, Bgy. Cabilang Baybay, Carmona, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Bobby Sierra, mechanic, motor shop owner, residente ng Purok 2, Bgy. Milagrosa, Carmona, Cavite.
Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas sakay ng motor.
Sa ulat, alas-3:00 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang motor at bumabagtas sa nasabing lugar nang mula sa kung saan ay dikitan ito ng suspek na sakay din ng motor at dito sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima.
Bago ang insidente, huling nakitang buhay ang biktima sa motorshop nito na may kausap na isang kliyente. Nang matapos ay umalis ito sakay ng kanyang motor at dito na naganap ang pamamaslang.





Comments