Karapatan at tungkulin ng Secretary ng National Defense
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 10, 2019
- 4 min read
Ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa o Department of National Defense (DND) ay departamento sa ilalim ng Ehekutibong Sangay ng Pamahalaang Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad ng Pilipinas. Mayroon itong kakayahang mangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP); Office of Civil Defense (OCD)”; Tanggapan ng Ugnayan sa mga Beterano ng Pilipinas o Philippine Veterans Affairs Office (PVAO); Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas o National Defense College of the Philippines (NDCP) at Arsenal ng Pamahalaan o Government Arsenal (GA).
Bilang kagawarang sangay ng Ehekutibong Departamento ng Pamahalaang Pilipinas, ayon sa Konstitusyon sa Artikulo VII, Seksiyon 17, ito ay nasa ilalim ng direktang kontrol at superbisyon ng pangulo sa pamamagitan ng mga kalihim o miyembro ng gabinete na kanyang itinatalaga.
Sa katunayan, ang pangulo ng Pilipinas ay itinuturing na Commander-in-Chief ng lahat ng mga Sandatahang Lakas ng Pilipinas, viz:
“Section 18. The President shall be the Commander-in-Chief of all armed forces of the Philippines and whenever it becomes necessary, he may call out such armed forces to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion. In case of invasion or rebellion, when the public safety requires it, he may, for a period not exceeding sixty days, suspend the privilege of the writ of habeas corpus or place the Philippines or any part thereof under martial law. Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress. The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its Members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President. Upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamation or suspension for a period to be determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.
The Congress, if not in session, shall, within twenty-four hours following such proclamation or suspension, convene in accordance with its rules without need of a call.
The Supreme Court may review, in an appropriate proceeding filed by any citizen, the sufficiency of the factual basis of the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus or the extension thereof, and must promulgate its decision thereon within thirty days from its filing.
A state of martial law does not suspend the operation of the Constitution, nor supplant the functioning of the civil courts or legislative assemblies, nor authorize the conferment of jurisdiction on military courts and agencies over civilians where civil courts are able to function, nor automatically suspend the privilege of the writ of habeas corpus.
The suspension of the privilege of the writ of habeas corpus shall apply only to persons judicially charged for rebellion or offenses inherent in, or directly connected with, invasion.
During the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, any person thus arrested or detained shall be judicially charged within three days, otherwise he shall be released. xxx xxx xxx.”
Isinasaad din sa Artikulo VII, Seksiyon 16 ng Konstitusyon na may kakayahang maghirang ang pangulo ng sinuman para sa mga kagawarang pang-ehekutibo, kasama na ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa nang may pahintulot ng Komisyon sa Paghirang (Commision on Appointment). Isusumite sa Komisyon sa Paghirang para kanilang pagpilian ang mga pangalang iminumungkahi para sa posisyon sa gabinete.
Bilang miyembro ng gabinete, ang kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ay itinuturing na kinatawan ng pangulo sa mga tungkulin at usaping nasasakop ng kanyang kagawaran. Kaya taglay nito ang kapangyarihang maglabas ng mga kautusang tungkol sa kanilang tanggapan tulad ng mga kautusang pangkagawaran o “department order”. May bisa lamang ang mga kautusang ito sa departamentong sakop ng kalihim. Nagsisilbi ring tagapayo ng pangulo ang mga kalihim sa usaping tungkol sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad ng Pilipinas.
Ayon sa Utos ng Nakatataas Bilang 230, Serye 1939 na nag-organisa sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, nakasaad na ang Kagawaran ng Pambansang Depensa ay sisingilin sa tungkulin ng pangangasiwa ng pambansang programa ng pagtatanggol sa bansa at magkakaroon ng pangangasiwa ng executive sa Philippine Army, Bureau of Aeronautics, Bureau of Coast at Geodetic Survey, Philippine Nautical School at sa pagtatatag at pagpapatakbo ng mga istasyon ng radyo (pagtanggap, paghahatid o pagsasahimpapawid) maliban sa mga pinananatili ng Bureau of Post at siyang pamumunuan sa pangkalahatan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa.
Bukod pa sa nabanggit, ayon sa Commonwealth Act. Bilang 1 o “The National Defense Act”, tungkulin ng kalihim na:
a) Sumailalim sa direksiyon ng pangulo ng Pilipinas;
b) Gumawa ng mga kinakailangang plano para sa pangangalap, pag-aayos, pagbibigay, pagsasangkap, pagpapakilos, pagsasanay at pag-demobilize ng army sa kapayapaan at sa digmaan at para sa paggamit ng puwersang militar para sa pambansang pagtatanggol at
c) Magbigay taun-taon sa pangulo ng isang buong ulat sa kondisyon ng Hukbo ng Pilipinas kasama na ang mga pahayag tungkol sa lakas, gastos, walang bayad na balanse, kinakailangan at iba pa.
Ang kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa bagama’t, nagtataglay ng malawak na kapangyarihan, lalo na sa usapin tungkol sa sandatahang lakas ay tulad ng lahat ng opisyal at pinuno ng gobyerno na may pananagutan sa bayan at dapat maging tapat sa pagseserbisyo sa lahat ng oras.
Comentarios