Horoscope | Nobyembre 10, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 10, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2019 (Linggo): Hindi ka mabibigo dahil ang pananalo at tagumpay ay nag-aabang sa landas na iyong nilalakaran. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itodo mo kung ano ang iyong kaya ngayon. Ang bunga ng iyong tagumpay ay aabot sa mahabang panahon kung saan ang iyong mga karibal ay walang magagawa kundi ang mamangha. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit nag-aalinlangan ka dahil sa pagkilos, ang pagiging negatibo ay dahan-dahang napapalitan ng positibong personalidad. Kilos na! Muli, kumilos ka na ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-21-30-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang bilis mo ngayon at para maiwasan mo ang pagkakamali, panatilihin mo ang talas ng iyong isipan. Bilis at talas ng isip ang sikreto ng mga malalayo ang agwat sa karibal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-25-32-35.
CANCER (June 21-July 22) - Malalakas ang iyong kalaban, pero mas malakas ka sa kahit na sino kapag nagawa mong alisin ang katangian na minamaliit mong masyado ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-26-27-30-34-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mula sa kalangitan, isang sinag na ang pangalan ay ‘sinag ng kasaganahan’ ang bababa sa lupa at ikaw ang hahanapin. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga biyaya, lalo na sa mga walang-wala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-18-21-23-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madarama mo at ito ay tiyak, hindi ito gabay ng kapalaran kung saan ikaw mismo ang tumutulak sa iyong sarili na gawin ang matagal mo nang naiisip na pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-14-25-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtaka kung bakit ang mangyayari ay kabaligtaran ng iyong mga kagustuhan. Tumawa ka at magsaya pagkatapos ng lahat dahil ikaw ay sobrang makikinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-18-20-24-25.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ngayon ang lakas ng loob mo na nasa iyong katawan. Malayo ang iyong mararating, kumbaga, dadalhin ka nito kung saan maiiwanan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hahawiin ng langit ang landas ng buhay na iyong tinatahak, ilalagay mo sa tabi ang humahadlang sa iyong mga kagustuhan. Kapag sila ay nagpumilit, aani sila ng kahihiyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-17-21-26-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ihakbang mo ang mga paa mo dahil tama ang sinasabi na sa simula ng pagtatagumpay ay gawin ang mga paunang hakbang at humakbang nang humakbang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-23-35-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kahit makaranas ka ng mga paunang kabiguan dahil ang lahat ng nagsisikap ay nabibigo muna bago magtagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-17-21-24-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang buo ang loob, doon ka dumikit. Bakit? Dahil makikitang pinanghihinaan ka ng loob. Kung sino ang makakasama at makakabarkada, noon pa man ay doon ka nahahawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-20-35-41-45.




Comments