top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Cayetano, hindi pa rin maka-move on sa pagkatalo sa pagka-VP

  • Pabs Hernandez III
  • Nov 10, 2019
  • 2 min read

IMBES NA SI VP LENI, DAPAT SI PASTOR QUIBOLOY ANG GINAWANG DRUG CZAR NI P-DUTERTE — Kung nais ni P-Duterte na ma-stop na ang kalakaran ng droga sa bansa, hindi dapat si VP Leni Robredo ang itinalaga niyang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kundi si Pastor Apollo Quiboloy.

Ibinida kamakailan ng pastor na noong lumindol sa Mindanao, sinabihan daw niya ang lindol ng “stop” kaya tumigil daw ito.

Malamang, kung ito (Pastor Quiboloy) ang magiging drug czar, baka sa isang kumpas lang nito ay ma-”stop” na rin ang kalakaran ng droga sa bansa, he-he-he!

◘◘◘

HINDI LANG DAW ANG ‘ANG PROBINSYANO’ ANG IPAI-STOP NI PASTOR QUIBOLOY KUNDI PATI ANG ABS-CBN NA PINAGTATRABAHUHAN NI VICE GANDA — Kamakailan ay hinamon ni Vice Ganda si Pastor Quiboloy kaugnay sa nag-viral nitong statement na ito ang nagpahinto ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay Vice, kung totoong makapangyarihan ito, subukan daw nitong ipa-stop ang serye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano”, gayundin ang matinding trapik sa EDSA.

Ang resbak ni Pastor Quiboloy, huwag daw siyang subukan ni Vice kasi baka hindi lang daw ang “Ang Probinsyano” ang ma-stop sa ere kundi pati ang network (ABS-CBN) na pinagtatrabahuhan nito, nakupooo!

◘◘◘

SPEAKER CAYETANO, HINDI PA RIN MAKAPAG-MOVE ON SA PAGKATALO SA VP RACE? — Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na kahit may “personal complaint” daw siya sa ABS-CBN, magiging patas daw ang Kongreso sa inihihirit na franchise renewal ng network at nang matanong ang Speaker kung ano ang himutok niya ay ipinahiwatig nitong hindi raw naging patas ang ABS-CBN sa mga inilabas na political ads ng mga vice-presidential candidate noong 2016 election.

Dahil d’yan, lumalabas na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nakapagmu-move on si Speaker Cayetano sa pagkatalo niya sa vice-presidential race, boom!

◘◘◘

TIBA-TIBA NA NAMAN ANG MGA KOTONGERONG PARAK — Nagbalikan na naman daw sa pagtitinda sa bangketa ang mga illegal vendor sa Baclaran, Parañaque City.

Dahil d’yan, tiyak na tiba-tiba na naman ang mga kotongerong parak sa pagkolekta ng “tong” sa mga illegal vendor, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page