Sa kasagsagan ng SEA Games — MMDA.. Walang pasok, walang sale sa mall

Irerekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mall sales at suspensiyon ng klase sa ilang lugar sa Metro Manila sa panahon na idinaraos ang Southeast Asian Games.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ito ay para maiwasan ang lalong pagsisikip sa daloy ng trapiko sa maraming lansangan. Iginiit nito na nais nilang magdeklara ng class holiday sa pitong paaralan sa Metro Manila mula December 2 hanggang 6.
Hindi nito tinukoy ang pitong paaralan na malapit sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila na isa sa sports venue para sa SEAGames.
Magrerekomenda rin ang ahensiya ng sales ban ng mga mall sa EDSA at iba pang SEAGames routes.
Ang 30th SEAGames ay magsisimula sa November 30 at tatagal hanggang sa December 11.





Comments