P-Digong at iba pang opisyal, papanagutin ni VP Leni sa EJK
- Pabs Hernandez III
- Nov 9, 2019
- 2 min read
ICAD, GAGAMITIN NI VP LENI PARA MAKASUHAN ANG TROPANG DUTERTE? —Isa sa mga nais mangyari ni Vice-Pres. Leni Robredo bilang bagong co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay makipag-ugnayan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Sablay yata talaga ang pagtalaga ni P-Duterte kay VP Leni sa ICAD kasi sa tema ng statement ng VP, tila magbibigay ito ng mga ebidensiya sa UNHRC para mapanagot ang pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno na sangkot sa EJK at human rights abuses sa bansa, boom!
◘◘◘
SA PANIBAGONG HIRIT NG VACC, BAKA RIYAN NA MAKULONG SI EX-P-NOY?—Nag-file ng motion for reinvestigation ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman para buksang muli ang kasong Mamasapano massacre dahil may mga bago raw silang (VACC) ebidensiya laban kay ex-P-Noy.
Bad news ito sa dating pangulo kasi kapag kinatigan ng Ombudsman ang hirit na reinvestigation ng VACC, baka sa pagkakataong ito na siya makulong? Abangan!
◘◘◘
ANG SABI NG SWS, BAGSAK ANG RATING NI P-DUTERTE, PERO ‘VERY GOOD’ PA RIN DAW ITO, ANG GULO NAMAN NG SURVEY!—Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), bumagsak daw ang rating ni P-Duterte, pero ayon din sa naturang survey firm, “very good” pa rin daw ang nakuhang marka ng pangulo.
Parang nakakaloko ang survey firm na ito, paano nangyaring ‘very good’ ito, gayung bagsak naman pala ang grado? Hindi mo tuloy alam kung seryoso ba sila o joke time lang, boom!
◘◘◘
RAKET NINA ‘RICKY’ AT ‘ROSEBEE’ SA JURISDICTION NI ANGELES CITY COL. SANGALANG, ‘UNTOUCHABLES’—Patuloy daw ang operasyon ng mga raket na drop balls at color games nina “Ricky” sa Bgy. Maragul at “Rosebee” sa Bgy. Balibago at Bgy. Cutod, pawang sa Angeles City.
Kung ganu’n, “untouchables” pala ang raket nina “Ricky” at “Rosebee” sa jurisdiction ni Angeles City Police Director Col. Frank Sangalang kasi may deklaradong “no take policy” si PNP-OIC Gen. Archie Gamboa, pero ang operasyon ng mga ilegalistang ito sa lungsod ay tuloy pa rin, buwisit!





Comments