top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kadete, natagpuang patay sa pool ng PMA

  • Jeff Tumbado
  • Nov 9, 2019
  • 1 min read

Isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City ang natagpuang patay sa swimming pool ng nabanggit na akademya, kahapon.

Wala ng buhay habang nasa ilalim ng pool ang biktimang si Cadet 4th Class Mario Telan, Jr., kadete sa ilalim ng Alpha Company ng Cadet Corps ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa inisyal na report mula sa pamunuan ng PMA, nagtungo si Telan sa pool ng akademya dahil schedule nito ang swimming class mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, kahapon.

Gayunman, napansin ng kanyang kapwa kadete na hindi na dumalo si Telan sa sumunod na klase nito at hindi pa bumabalik mula sa swimming class kaya nagpasya nang hanapin ito sa Jurado Hall pero, gamit lamang nito ang naroon.

Dito na tumambad sa ilang kapwa kadete na naghanap sa kanya na nakalubog ang katawan nito sa pool na may 15 talampakang lalim.

Mabilis na itinakbo si Telan sa Fort del Pilar Station Hospital sa loob ng PMA subalit, idineklara na itong dead-on-arrival.

Patuloy pang inaalam sa imbestigasyon ng Baguio City Police kung ano ang dahilan ng kanyang pagkalunod at para rin alamin kung may kasama ito sa nabanggit na klase.

Sa isang maikling pahayag ng pamunuan ng PMA ay nakikiramay sila sa nangyari sa kadete.

“It is with a heavy heart that PMA confirms that a fourth class cadet drowned in the Philippine Military Academy swimming pool today, 08 November 2019. PMA deeply grieves for this unfortunate loss of one of our sons. All necessary assistance will be extended to the bereaved family and loved ones of cadet Telan”, pahayag ng PMA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page