top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bolts, nilusaw ang Dyip

  • ATD
  • Nov 9, 2019
  • 1 min read

Kinuryente ng Meralco Bolts ang Columbian Dyip, 92-74 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum. Nangalabaw si Allen Durham ng 34 points, 14 rebounds at limang assists upang akbayan ang Bolts sa kanilang pang-apat na sunod na panalo at ilista ang 7-2 record.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Meralco nang hawakan nila ang 16-point lead, 45-29 sa halftime. Subalit pumalag ng bahagya ang Dyip sa 3rd nang harurutin nila ang 29-22 bentahe at tapyasin ang hinahabol sa siyam, 58-67 papasok ng 4th period. Hindi basta nagpahabol ang Bolts sa payoff period, sinabayan nila ang bilis ng Dyip para manatili sa kanilang ang abante at makuha ang importanteng panalo.

Naka-puwesto sa No. 3 ng team standings ang Bolts. May inambag na 19 pts. at 16 boards si import Khapri Alston.

Nalasap ng Dyip ang pang-anim na talo sa 10 laro. Samantala, pakay ng San Miguel Beer na palakasin ang tsansa sa pagsampa sa top four pagharap nila sa Rain or Shine Elasto Painters ngayong 5 p.m. sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City. Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Beermen bago makuha ang inaasam na panalo sa Elasto Painters.

Dahil bukod sa hindi na makalalaro sa San Miguel ang malupit nilang import na si Dezmine Wells ay itotodo ng E-Painters ang kanilang lakas para manatili sila sa laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page