top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Yosi, ipagbawal na sa buong bansa tulad ng droga

Pabs Hernandez III
Nov 8, 2019
2 min read

YOSI, IPAGBAWAL NA SA BUONG BANSA! — Nais ng Department of Health (DOH) na ipagbawal na ang patingi-tinging pagbebenta ng sigarilyo at kaha-kaha na lang daw ang gawing pagbebenta nito dahil sa ganitong paraan daw posibleng maiwasan ang pagkahumaling dito ng mga Pinoy.

Pero sa ating palagay, simple lang ang dapat gawin ng gobyerno kung talagang nais nilang matigil ang mga Pinoy sa paninigarilyo, ipagbawal na ito sa buong bansa at ang sinumang mahuhuling nagbebenta at naninigarilyo ay sasampahan ng kasong kasimbigat ng ikinakaso sa mga tulak at adik sa ilegal na droga, period!

◘◘◘

HINDI NA TIG-P100 MILYON KUNDI TIG-P500 MILYON NA ANG PANG-“PROJECTS” NG MGA CONG. — Sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi na raw tig-P100 milyon ang matatanggap na pang-“projects” ng bawat kongresista kundi tig-P500 milyon na raw.

Hay naku, ang akala ng publiko, ang sasabihin ni Speaker Cayetano ay mag-aambag-ambag ang mga kongresista nang maitutulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, pero hindi pala, sa halip ay madaragdagan pa ang pork barrel, este, pang-“projects” ng bawat kongresista, pwe!

◘◘◘

SEN. LACSON, NAGPAPANSIN KAY VP LENI — Matapos tanggapin ni VP Leni Robredo ang alok ni P-Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nakahanda raw niyang tulungan ang bise-presidente sa paglaban sa ilegal na droga.

Tila nagpapansin si Sen. Lacson kay VP Leni para siya ang kunin nitong VP kapag tumakbo itong (Robredo) pangulo sa 2022 elections, boom!

◘◘◘

JUETENG AT LOTTENG SA QC — Nag-operate na raw ang raket na lotteng nina “Lito Motor” at “Carlo” sa Quezon City.

Kung ganu’n, hindi lang pala jueteng ang namamayagpag sa jurisdiction ni Mayor Joy Belmonte kundi pati lotteng, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page