Tsukuba, ‘di pinaporma ang PSL Shine
- MC
- Nov 8, 2019
- 1 min read

Ginulpi rin ng University of Tsukuba ang Team Shine, 25-10, 25-16, 25-16, upang manatiling walang talo sa Philippine Superliga Super Cup sa FilOil Flying V Centre kagabi.
Nagpakawala si Ami Yamashiro ng 17 points para sa Japanese team, na haharapin ang national women’s volleyball team ngayong araw upang tapusin na ang three-day pocket tournament na nagsisilbing warm up ng PHL team para 30th Southeast Asian Games.
Nakagawa si Moeka Kinoe ng 12 points para sa Tsukuba habang sina Kurumi Takama at Syuri Kurata ay may tig-8 puntos sa bakbakan na nagtagal ng isang oras at 12 minuto.
Pinapurihan ni Tsukuba head coach Yasumu Nakanishi ang kanyang koponan, na pinalakas ang kanilang service at sinamantala ang mahinang reception ng katunggali. “Our players did a better service today. And this could prepare us for tomorrow’s game facing the national team,” aniya kasunod ng ikalawang match sa torneo Nakapagkamada si MJ Phillips ng 9 points para sa Team Shine habang sina Eli Soyud at Fritz Gallenero ay nagdagdag ng tig-4 puntos. Samantala, magsasanay ang men’ team volleyball sa Tokyo bago ang SEAG. Tahimik na nagtungo para sa 16-day training camp sa Tokyo ang koponan.
Ayon kay head coach Dante Alinsunurin na bukod sa exposure ng team laban sa iba’t ibang clubs at university teams sa Japan, ang pangunahin nilang layunin ay pag-ibayuhin ang chemistry at palakasin ang camaraderie ng team bago ang prestihiyosong biennial meet.
Asam ng men’s squad ang isang magandang performance sa SEAG. Huling naka-bronze medal ang Pinas sa 23rd SEAG noong 2005 nang idaos sa bansa. Pero makalipas ang 10 taon masaklap ang inabot nila sa Singapore at Kuala Lumpur edition noong 2017 at 2019.





Comments