Quezon nilindol ng magnitude 5.5
- V. Reyes
- Nov 8, 2019
- 1 min read

Niyanig ng Magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Jomalig, Quezon na naramdaman sa iba pang lugar sa Metro Manila at Southern Luzon.
Alas-4:52 ng madaling-araw nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang malakas na pagyanig na may lalim na pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity IV sa Guinayangan, Quezon habang Intensity II sa Marikina City; Navotas City; Quezon City at Intensity I sa Muntinlupa City.
Kung pagbabatayan ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte; Intensity III sa Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez at Mulanay, Quezon; Intensity II sa Marikina City; Malolos City; Gumaca at Dolores, Quezon; Baler, Aurora habang Intensity I sa Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga, Talisay, Batangas; Palayan City.
Tiniyak naman ni Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum na hindi magdudulot ng tsunami ang nasabing pagyanig.
Wala rin aniyang kinalaman sa serye ng mga paglindol sa Mindanao ang naranasan sa Quezon.





Comments