top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para sa mga nilindol.. Bigas ng mga local farmers pinakyaw

M. Alfonso
Nov 8, 2019
1 min read

Kabuuang 30 tons na bigas ang ipinadalang tulong ng mga residente, negosyante at magsasaka ng Palayan City Nueva Ecija sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, nakatulong na sila sa mga magsasaka, nakatulong pa sila sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

“Hindi nabibili ang mga palay ng mga magsasaka sa Palayan City dahil bagsak ang presyo ngayon, kaya kami na ang bumili at pinagiling namin para maging bigas na siyang ipinadala naming tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao,” ani Mayor Cuevas.

Nag-ambagan umano ang mga negosyante, business hub at ilang residente sa Palayan City upang magbigay ng tulong.

Nagpapasalamat naman ang mga magsasaka sa Palayan City na binili sa halagang P17 kada kilo ang kanilang palay na mas mataas kumpara sa alok ng P10 ng mga rice trader sa Central Luzon.

Isinakay sa LGU truck ang mahigit sa 600 kaban ng bigas na kabuuang 30 tonelada at ibinigay sa DSWD sa Maynila na siya namang magdadala at magdi-distribute sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page