top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P-Digong, mawawawalan ng kausap ‘pag ipinagbawal ang plastik

Ka Ambo
Nov 8, 2019
1 min read

Ipagbabawal ni P-Digong ang plastik.

Huh, may “makausap” pa kaya siya?

◘◘◘

ISA na namang blocktimer broadcaster ang pinatay sa Dumaguete City.

Nanangkupooo!

◘◘◘

SINUPORTAHAN ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si VP Leni kaugnay sa pagiging anti-drug queen.

Ang reunion ng mga maka-P-Noy!

◘◘◘

LULUBOG daw ang maraming siyudad sa ‘Pinas sa 2050.

Huh, marami na ang nakalubog ngayon pa lamang!

◘◘◘

POPULAR na popular na si Pastor Apollo Quiboloy.

Nasapawan na niya ang KAPA!

◘◘◘

MARAMI pa rin ang adik sa baboy kahit may epidemya ng ASF.

He-he-he!

◘◘◘

MAGBABAKASYON daw nang isang linggo si P-Digong.

Dapat lang!

◘◘◘

LAGANAP pa rin ang illegal gambling.

Sino ang nakikinabang?

◘◘◘

DEDMA lang ang Malacañang sa paghahari-harian ng China.

Takot kasing magbuwis ng buhay ang AFP.

Gusto nila ay buhay ang mga sundalo hanggang sa pagreretiro.

‘Yan ang “turo” sa PMA?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page