Homeowner’s association, may “k” pamahalaan ang patubig sa subdivision
- Dr. Persida V. Rueda-Acosta
- Nov 8, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang kapangyarihan ang aming homeowners’ association upang pamahalaan ang water system ng aming subdivision? — Kong
Dear Kong, Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec.49 (g), Rule 9, Implementing Rules and Regulations ng Republic Act (R.A.) No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:
“g. Ensure the availability of quality water services at a reasonable price and, at its option, after consultation with the general membership, administer and manage the waterworks system of the subdivision;” (Binigyang-diin)
Samakatwid, may karapatan ang homeowners’ association upang pangasiwaan at pamahalaan ang waterworks system ng kanilang subdivision basta ito ay naisangguni muna sa general membership ng kanilang samahan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments