top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Hirit ng Team Duterte.. Drug war ni VP Leni, bantay-sarado

  • Mylene Alfonso
  • Nov 8, 2019
  • 1 min read

Natuwa si Senador Christopher ‘Bong’ Go dahil tinanggap na ni Vice-President Leni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar sa bansa.

Ayon kay Go, hangad niya ang tagumpay ni Robredo sa bagong tungkulin na iniatang sa kanyang balikat.

Inihayag pa ng mambabatas na babantayan niya ang gagawing giyera kontra droga ni Robredo.

“Ako naman po ngayon ang magbabantay sa inyo, sabi po ninyo maraming inosente ang nadadamay, ngayon ako naman ang magbibilang kung ilang Pilipino naman ang mabibiktima ng droga sa ilalim po ng inyong pamamahala sa war on drugs,” ani Go.

Sinabi pa ng senador na mali ang akala ng oposisyon na madaling labanan ang mga drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.

“Ilang presidente na ba ang dumaan? Nabawasan ba ang droga? Nabawasan ba ang mga drug lord o lalo lamang dumami?” tanong ni Go.

Aniya, ngayong panahon lang ng Duterte administration natapyasan nang malaki ang drug problem sa bansa dahil ginagamitan ito ng kamay na bakal ng Pangulo. Ang pagiging drug czar ni Robredo ay magtatagal hanggang June 30, 2022.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page